Wednesday, November 5, 2008

nakakainis na araw

Wala na ata ako maisulat na maganda sa araw na to. Nakakainis naman kasi. Nagising ako na masakit ang tiyan at matutulog na sore ang buong ngipin. Nakakainis pa metal band ko, naiipit dila ko. 2 hours lng naman ako nakaupo dun sa dentist chair kanina. waaaa! tapos tatanungin pa ako kung napapagod na ako, tapos patience daw. d ako makapaniwala nagbayad ako ng 33K para makaranas ng sakit. at may utang pa ako na 30K. waaaa! pero sige na lng kesa dun ako sa cosmo something na ortho something na dentist na pinuntahan ko ng first year college pa lang ako.umabot pa ata sa 150K ang budget niya e, pero dami naman siyang mga fake na ipin ilalagay.pero 3 months daw parang model na daw.d ko naman gusto maging model.wahahaha! gusto ko original na ipin lang.

Ay meron pala akong magandang isusulat....me bagong akong singsing!!!! me bato po siya...ewan ko ba, ang baba ng kaligayahan ko.pagnadedepress ako dami ko gastos para sa panandaliang saya. bili ng kung ano ano, mablouse, short o alahas.mabuti n lng at wala ako credit card kundi nabalot na ako sa utang ngayon....ano nga pala, ibebenta ko na mga watch ko na Mango bracelet watch para magkapera ako.wahahaha! babatukan ako ng mama ko(pero ako po bumili ng mga un, Alba ata binili sa kin ni mama paggraduate ko daw. na hindi naman nagbow sa stage.hahaha.inindian ko graduation ko!na super galit naman hon ko kasi ngpatulong na sina cha sa kanya ata.e bat si mama deadma kahit tinawagan ni mynet)...bili ako ng fossil na pink watch (pink na naman!)...tapos next year mag aall black ako.ngkakadikit na po kilay ni hon na panay tanong ko kng may black na wedding gown.hahaha!tanungin ko kaya si ate iris kung magtatahi siya ng black na wedding gown.ano kaya gawin sa akin ni hon pag nag itim ako.ahahaha.sarap kasi niya asarin.

No comments: